Pribado o pampublikong paaralan, kapwa itong nangangailangan ng salaping pambayad upang mapag-aral ang mga anak. Saan mang dako ng mundo, taon-taon ay ang pag-papaaral ang pinaghahandaan ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap na kumita ng pambayad sa paaralan.

Sa kasamaang palad ay hindi laging nasusulit ang paghihirap ng mga magulang. Hindi madaling tanggapin na ang iyong anak ay nawalan ng interes sa pag-aaral sa konting panahon na lamang ay magmamartsa na ito sa entablado upang kunin ang kanyang diploma. O bigla na lamang itong nag-uwi ng nobya na itinanan sa kadahilanang magkakaroon kana ng apo. O kaya naman ay napatalsik ng kanyang paaralan sa kadahilanang ito ay matagal ng nagbubulakbol at hindi pumapasok.

Sa kabilang banda, sadyang maraming magulang din ang binigyang ligaya ng kanilang mga anak, na nagsikap at nagpakahirap upang makapagtapos sa pag-aaral. Mga anak na nakaunawa ng paghihirap at sakripisyo ng magulang para sa kanilang kinabukasan.

Pag-aaral, Tanging nais idulot ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Pag-aaral, Katumbas ay hirap at pasakit ng ating mga magulang.

Pag-aaral, Pag-igihan at sana’y laging pahalagahan.

Sa aking mga kababayan. Magandang Araw Po sa Inyong Lahat!!!

No comments: