Parokya ni San Miguel Arkanghel
KASAYSAYAN NG SIMBAHANG KATOLIKO
PAROKYA NI SAN MIGUEL ARKANGHEL
Mga Taong Nagdonasyon sa Lupa ng Simbahan:
- Eugenio/Maria Vistan
- Agatona Vistan
- Marta Vistan
- Juan (Salantong) Sumague
- Casiano Sumague
- Cirila Sumague
TAONG 1900:
Nagpatayo ng Tuklong (Chapel) Pinamunuan ni Kapitan Manuel Lucido ang pagpapatayo ng Tuklong (Chapel) na ang bubong ay Yunot sa tulong ng mga taong nayon ng Pauli, Nagcarlan, Laguna. Taong 1900- 1901.
Nagpagawa ng Bagong Simbahan Ang namuno sa pagpapagawa ng bagong simbahan ay si G. Inocentes Sumague at Casiano Sumague sa tulong ng mga taong nayon ng Pauli, sa pamamagitan ng abuloy salapi at tulong ng katawan. Ang mga sangkap na kahoy ay nagbuhat sa bundok hila ng kalabaw. Ang tungkol naman sa buhangin at bato; bawa’t tao ay may kanya-kanyang toka. Taong 1909.
Nagpatayo ng Kumbento Ang lahat ng kasangkapang ginamit sa pagpapatayo ng kumbento ay abuloy ni G. Inocentes Sumague na siya ring namahala sa pagpapagawa. Nagkaroon na ng Kura Paroko sa Katauhan ni Padre Jose Montenegro. Taong 1917
Ang nayon ng Pauli ay naging bayan ng Rizal
Founders of Rizal Town in Laguna.
Sa pamamagitan nina Kon. Fortunato Arban, Kon Agustin Vista at Kon. Felix Isleta, sa bisa ng kanilang Resolusyon na pinagtibay sa Konseho ng Munisipal ng Nagcarlan, Laguna ang Nayon ng Pauli ay naging Bayan ng Rizal noong taong 1919. Si Padre Jose Montenegro pa rin ang Kura Paroko ng Bayan.
Ang pagpapaayos ng Tore ng simbahan ay pinamunuan at pinangasiwaan nina G. Silvino Isles, Pedro Sumague at Bartolome Magtibay, taong 1937. Si Padre Leon Faraon ang Kura Paroko
Ang mga nangasiwa sa pagpapagawa ng bagong kumbento ay sina G. at Gng. Emilio Vista, Silvino Isles, Basilio Bueno at Emilia Alcantara. Ang lumang kumbento na abuloy ni g. Inocentes Sumague noong taong 1919 ay ipinagbili kay G. Jose Gumicua sa halagang 500.00. Ang halagang ito ay nakatulong upang madaling naitayo ang bagong kumbento, taong 1958-1959. Ang Kura Paroko ay si Padre Napoleon M. Pantas (Hunyo 1954-Enero 1967}. Ang nagpapagawa ng pader sa unahan at tagiliran ng patio ay si Padre Napoleon Pantas sa pamamagitan ng mga donasyon. Ang nagpatayo ng pader sa silangan ng kumbento at kanluran ng simbahan ay si Padre Emilio Palma (Pebrero 1967-Abril 1968) sa pamamagitan rin ng mga donasyon.
Ang pagpapasemento ng mula sa pinto ng simbahan pa-kanluran ay pinangasiwaan ng Daughters of Isabela sa pamumuno ni Padre Pedro Valdepenas.
No comments:
Post a Comment